top of page

29-anyos na lalaki, kabilang sa Top 10 Most Wanted ng PNP PRO 12, arestado sa T’boli, South Cotabato

  • Teddy Borja
  • Nov 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang isang 29-anyos na lalaki na kabilang sa Top 10 Most Wanted Person ng PNP PRO 12.


Inaresto ang suspek araw ng Biyernes, November 14, 2025, sa Barangay Poblacion ng bayan.


Kinilala ito sa alyas na “Nestie.”


Inaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest sa paglabag sa Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972.


Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Surallah, South Cotabato noong November 4, 2025.


Inirekomenda ng korte ang ₱180,000 na piyansa sa kaso.


Itinurn over na sa T’boli Municipal Police Station ang suspek para sa documentation at disposition.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page