29 armas, isinuko sa militar ng mga residente mula sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Nov 17
- 1 min read
iMINDSPH

Isinuko ng mga residente mula sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Sur ang 29 iligal na mga baril sa pamamagitan ng Balik-Baril at Small Arms and Light Weapons o SALW Management Program.
Ang mga armas ay ipinresenta kay Brigadier General Edgar Catu, ang Commander ng 601st Brigade, sa isang turnover ceremony na idinaos sa 90th Infantry Battalion.
Layunin ng programa na sugpuin ang pagkalat ng iligal na armas at palakasin ang kooperasyon ng komunidad sa pagsusulong ng kapayapaan sa lalawigan.
Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan at pambansang ahensya, kabilang na si Sittie Sahara Kasan ng OPAPRU; Datu Jomar Midtimbang, Chief of Staff ng Maguindanao del Sur; Mayor Datu Bassir Utto ng Datu Saudi Ampatuan; Datu Haris Ampatuan ng Datu Hoffer; Comeni Ampatuan ng Shariff Aguak; at mga hepe ng pulisya.
Binigyang-diin ni Brig. Gen. Catu na ang aktibong suporta ng mga lokal na opisyal at mamamayan ay malinaw na pagpapakita ng kanilang hangarin para sa pangmatagalang kapayapaan.
Muli namang nanawagan si Major General Jose Vladimir Cagara, Commander ng 6th Infantry “Kampilan” Division at Joint Task Force Central, sa mga natitira pang may hawak ng iligal na armas na makiisa sa mga programa ng pamahalaan para sa kapayapaan at kaunlaran ng ating mga komunidad.



Comments