29 civilian informants na nagbigay umano ng tamang impormasyon sa PNP na nagresulta sa pagka-aresto ng 30 Most Wanted Criminals sa bansa, kinilala ng PNP; mahigit P10M reward money
- Teddy Borja
- Dec 10
- 1 min read
iMINDSPH

Umabot sa mahigit 10 million pesos ang ibinigay ng PNP bilang reward sa dalawampu’t siyam na civilian informants, kung saan nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlumpung Most Wanted Criminals sa bansa ang mga naibigay umanong tamang impormasyon ng mga ito.
Kinilala ni Philippine National Police Acting Chief PLt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang 29 na civilian informants sa isang seremonya.
Ayon sa PNP, ang tamang impormasyon na ibinigay umano ng mga ito ay nagresulta sa pagkaka-aresto sa 30 Most Wanted Criminals ng bansa.
Umabot sa kabuuang ₱10,625,000.00 ang mga ibinigay na reward ng PNP.
Sa report ng PNP, ang pinakamalaking gantimpala na nagkakahalaga ng ₱5,300,000.00 ay iginawad sa impormanteng nagbigay ng mahalagang impormasyon na humantong sa pag-aresto ng isang Abu Sayyaf sub-leader na sangkot sa maraming kaso ng pagpatay.
Ang iba pang mga impormante, ayon sa PNP, ay tumanggap ng gantimpala na umaabot sa daan-daang libo, karaniwang nasa ₱130,000.00 hanggang ₱500,000.00 depende sa bigat ng mga kasong naresolba—kabilang ang murder, kidnapping, rape, illegal detention, at paglabag sa RA 9165 at RA 7610.
Binigyang-diin din ng PNP Chief ang patuloy na kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng publiko sa PNP bilang bahagi ng kanilang pinalalakas na kampanya laban sa krimen.



Comments