iMINDSPH
Ikinasa ng otoridad ang search warrant operation sa Purok Waya, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City a-19 ng Setyembre.
Target sa operasyon ang isang alyas “Rap-Rap” na nakasibat na bago pa man nakarating ang mga otoridad sa lugar.
Ang search warrant ay inisyu ng Presiding Judge ng RTC Branch 21 ng 10th Judicial Region, Hall of Justice, Kapatagan, Lanao del Norte, a-17 ngayong buwan.
Bagamat wala na sa lugar ang target, itinuloy pa rin ang search sa harap mismo ng kapatid nito.
Nasamsam ng otoridad ang Caliber .38 revolver na may serial number 835715, limang (5) rounds ng Caliber .38 live ammunition, pitong (7) rounds ng 7.62 mm live ammunition, isang (1) piece 40mm ammunition, oat isang 1) 9mm magazine assembly.
Ayon sa PNP PRO BAR, ang pagkakasamsam ng loose firearms ay makakatulong sa anila’y potential criminal activities
📸 PNP PRO BAR
Comments