294 Teaching kits, handog ng tanggapan ni MP Ishak Mastura sa mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte
- Diane Hora
- Aug 12
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang daan at siyamnapu’t apat na guro sa District 1 ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte ang tumanggap ng teaching kits mula sa tanggapan ni BTA Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura.
Isinagawa ang distribution ngayong araw ng Martes, August 12, 2025.
Unang binisita ng mga kawani ng tanggapan ng mambabatas ang Piguan Elementary School kung saan sampung guro ang nakatanggap ng kits.
Sa kabuuan, 294 Teaching Kits ang naipamahagi sa mga guro sa iba’t ibang paaralan sa bayan.
Bukod sa Paigu, binigyan din ang mga guro sa elementary schools ng
Nuling central
Maidapa
Raguisi
Bulibod
Kapimpilan
Senditan
Datu Mulok
Datu Manguda
Datu Unsengan
Pinaring
Ungap
Rebuken
Sandakan
Dalumangcob
At Sultan Kudarat Nat’l High School
Ang distribusyon ay pinondohan sa ilalim ng Community Outreach fund ng mambabatas.



Comments