top of page

3,500 residente ng Maguindanao del Sur na labis na naapektuhan ng pagbaha, tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Office of the President

  • Diane Hora
  • 9 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Tatlong libo at limang daang residente ng Maguindanao del Sur ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Office of the President.



Limang libong piso na tulong pinansiyal ang tinanggap kada isa ng 3,500 na residente ng Sultan sa Barongis, Datu Salibo, at Datu Saudi Ampatuan.



Ito ay Presidential Calamity Assistance mula sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.



Matatandaang isinailalim ang probinsya sa State of Calamity dahil na rin sa naranasang kalamidad sa mga piling Munisipyo.



Personal namang nag paabot ng kanilang pasasalamat si Gov Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, at Allandatu Angas sa Presidential Help Desk Team sa kanilang tulong na ibinahagi.



Pagpapakita lamang anila ito ng tunay na malasakit ng isang ina at pagmamahal ng tatak Agila.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page