top of page

Pagbubukas ng klase sa buong bansa, mapayapa at matagumpay ayon sa PNP at DEPED

  • Diane Hora
  • 5 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Kapwa tinuran ng Department of Education at ng Philippine National Police na matagumpay at mapayapa sa pangkalahatan ang pagbubukas ng School Year 2025-2026 base sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.


Ito ay kasunod ng kanilang assessment sa pagsisimula ng klase kahapon, Hunyo 16, 2025.


Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, naging matagumpay aniya ang pagsisimula ng klase dahil sa bayanihan sa pagitan ng mga magulang, mag-aaral at ng pamahalaan ayon pa sa report.


Bukod pa ito sa sama-samang pagtutulungan ng mga guro at iba pang stakeholders nitong nakalipas na Oplan Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela 2025.


Sinabi rin sa report na kuntento si PNP Chief, Police General Nicolas Torre III, sa naging latag ng seguridad gayundin ang pagtutulungan ng mga kinauukulan, pulis, magulang, guro at mga mag-aaral.


Pagtitiyak ni Torre, hindi nila pababayaan ang mga mag-aaral at patuloy nilang poprotektahan ang seguridad gayundin ang kanilang kaligtasan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page