STATUS REPORT NG INFRA PROJECTS SA BARMMMinistries, offices at agencies sa BARMM, binigyan ng 3 araw para magsumite ng kumpletong status report ng lahat ng infrastructure projects
- Diane Hora
- 3 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Alinsunod sa Office of the Chief Minister Memorandum Circular No. 0070, series of 2025.
Binigyan ng tatlong araw ang lahat ng ministries, offices, at agencies ng Bangsamoro Government para magsumite ng kumpletong status report ng kanilang mga infrastructure projects.
Bahagi ito ng pinaiigting na monitoring ng Bangsamoro Task Force on Infrastructure Projects o BTFIP na nauna nang nilikha ni Chief Minister Abdulraof Macacua sa bisa ng Executive Order No. 004, series of 2025.
Ito’y upang matukoy ang aktwal na kalagayan ng mga proyektong pinondohan mula pa noong 2019 lalo na’t may mga ulat na ilan sa mga ito ay nananatiling hindi pa tapos.
Ang mga BARMM offices ay inatasang magsumite ng status report hanggang June 19, 2025.
Inaasahan ng Macacua administration na sa pamamagitan ng inisyatibong ito ay mas mapapabilis ang pagtukoy sa mga proyektong natapos, naiwan, o kailangang tutukan, bilang bahagi ng commitment ng BARMM sa moral governance at effective public service.
Comments