top of page

WALANG FARE INCREASE, TULOY ANG BIYAHE anunsyo ng Mindanao Star para sa mga magbibiyahe ngayong Semana Santa

  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Magandang balita para sa mga mamamayang uuwi sa kani-kanilang probinsya. Tiniyak ng pamunuan ng Mindanao Star Bus Terminal na walang pagtaas sa singil sa pamasahe sa lahat ng ruta, kasabay ng paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong nais makapiling ang kanilang pamilya ngayong Semana Santa.


Si Espe Dilfino, isang OFW mula Bahrain, na umuwi para sa Holy Week upang masaksihan din ang graduation ng kanyang anak.


Samantala, uuwi rin si Yolanda Limon sa kanilang lugar upang maglinis ng bahay at maghanda para sa Semana Santa. Ayon sa kanya, mas nakakatipid rin sa probinsya dahil sa mas mababang gastusin.

Sa kabila ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero, tiniyak ng pamunuan ng terminal na sapat ang kanilang mga driver at bus.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page