top of page

HIHINTAYIN ANG DESISYON NG SC SA PETITION LABAN SA BAA 86 AT 88 pahayag ni Sultan Saad Ibrahim Amate kasunod ng paglagda ni PBBM sa batas na nagtatakda muli ng first regular election sa BARMM ngayong

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Kinikwestiyon ng grupo ni Sultan Saad Ibrahim Amate, Grand Imam at National President ng United Imams of the Philippines Foundation, Inc., sa inihaing petisyon sa Supreme Court ang ipinasang batas ng Bangsamoro Transition Authority, ito ang Bangsamoro Autonomy Act No. 86 o An Act Providing for the Apportionment of Parliamentary District Representative Seats in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao..


At ang BAA No. 88 o An Act Amending Bangsamoro Autonomy Act. No. 35 entitled “ An Act Providing for the Bangsamoro Electoral Code of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Giit ni Amate, hindi nasunod ang ilang mandatory legal requirement kung saan isinasaad sa batas na dapat ay contiguous, compact at adjacent.


Ilan din sa punto ng petisyon ang umano’y hindi patas na distribusyon ng distrito batay sa populasyon.


Bukod sa districting, kinukwestiyon din ng grupo ang BAA 88 dahil sa probisyong kanselasyon ng accreditation ng mga partido nang anila’y walang sapat na abiso.


Sa ngayon, nakabinbin pa sa Korte Suprema ang kanilang inihaing petisyon.


March 26 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12317 kung saan matapos ang makailang ulit na postponement ay itinakda muli ang first regular election sa BARMM sa Setyembre ngayong taon


Sa huli, muling iginiit ng grupo ang layunin para sa patas at legal na halalan sa Bangsamoro Region.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page