top of page

HOLY WEEK 2026 Naghahanda na ang Immaculate Conception Cathedral sa Cotabato City para sa nalalapit na paggunita ng Kuwaresma, kung saan inilatag na ang mga aktibidad na nakatuon sa pananalangin, sakr

  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Ilang araw na lamang ay opisyal nang magsisimula ang Holy Week isang linggo ng paggunita sa sakripisyo ni Hesukristo, na isinasabuhay ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pananalangin, pag-aayuno, at kawanggawa.


Isa si Karlos Xavier Guerrero na halos dalawampung taon nang nagsisilbi sa simbahan at tumutulong sa pagsasagawa ng mga aktibidad tuwing Kuwaresma.


Ngayong taon ang tema na nakatuon sa tatlong haligi ng Kuwaresma: panalangin, kawanggawa, at pag-aayuno.


Inaasahan din ang dagsa ng mga mananampalataya sa iba’t ibang araw ng Semana Santa. Kabilang dito ang mga misa, prusisyon, at mga gawaing taunang dinadaluhan ng publiko.


Ayon naman sa isang mananampalataya, mahalagang maunawaan ang tunay na kahulugan ng Holy Week bilang panahon ng sakripisyo at pagninilay.


Samantala, abala rin ang mga vendor sa paghahanda ng mga produktong karaniwang ginagamit tuwing Semana Santa gaya ng kandila at palaspas.


Para naman sa mga nais makiisa sa mga aktibidad, makikita ang kumpletong iskedyul sa bawat simbahan.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page