MILG Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, itinanggi ang mga paratang sa MILG at sinabing isa itong mapanira at walang basehan na paratang
- Diane Hora
- 5 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nakarating na kay MILG Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba ang mga na isyu sa social media.
Kumalat sa social media ang ilang dokumento hinggil sa umano’y maanomalyang bidding process ng bigas sa MILG na milyon-milyon ang halaga.
Sa isang opisyal na pahayag-
Mariin na itinatanggi ng opisyal ang akusasyon laban sa kanya at sa ministry at sinabing isang mapanira at walang basehan ang paratang.
Bilang isang abogado ayon kay Minister Alba at dati aniyang Bangsamoro Attorney General, mahigpit ang kanyang pagsusi, pag-aralan at pagtitibay sa mga umiiral na batas sa procurement—ang Republic Act No. 9184 at Republic Act No. 12009—na siyang nagsisilbing gabay ng MILG ayon sa opisyal sa lahat ng proseso ng procurement.
Hinihimok ni Minister Alba ang lahat na maging maingat at mapanuri sa paglalathala at pagbibigay ng komento, lalo na sa mga usaping kulang aniya ang konteksto at impormasyon.
Huwag aniyang hayaang maging kasangkapan ang social media sa pagpapalaganap ng maling akala o paghuhusga nang wala sa lugar.
Dagdag ng opisyal na igagalang at susundin umano niya ang due process of law—kung saan ayon sa kanya ang sinumang nag-aakusa ay may tungkuling maglahad ng malinaw at matibay na ebidensya upang patunayan ang anumang paratang.
Humihingi rin ito ng paumanhin sa mga indibidwal na hindi aniya makatarungang nadamay o madadamay pa sa sinasabi nitong malisyoso at walang saysay na alegasyon.
Nagpapasalamat ang opisyal sa pamunuan ng Bangsamoro Government sa pagbibigay ng pagkakataon upang maipahayag umano niya ang kanyang panig.
Comments