iMINDSPH

Sinabi ng 6th Infantry Kampilan Division, nahuli ang tatlong armadong lalaki, ala- 6:30 ng umaga, a-2 ng Marso sa Barangay Tonganon, Carmen, Cotabato, bandang alas-6:30 ng umaga ngayong araw, Marso 2, 2025.
Sa report, sinabi ni Lt. Col. Erwin Jay Dumaghan, ang pinuno ng 40th Infantry (Magiting) Battalion, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng dalawang armadong grupo sa nasabing lugar.
Agad aniyang rumesponde ang mga elemento ng 40IB at lokal na pulisya upang pigilan ang karahasan at mapanatili ang kapayapaan sa komunidad.
Sa isinagawang law enforcement support operation ng militar kasama ang pulisya, naaresto ang tatlong indibidwal at nakuha mula sa mga ito ang isang M14 Rifle, dalawang M16 Rifle, dalawang bandolyer na naglalaman ng mga magasin at bala, at isang short handheld radio.
Ang mga nahuling suspek ay agad na dinala sa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon at paghahanda ng mga kasong isasampa laban sa kanila.
Matatandaang Pebrero 25, namagitan din ang 40IB sa isang girian sa barangay sa bayan ng Matalam, Cotabato.
Nagresulta ito sa pagsuko ng mga armas mula sa magkabilang panig, kabilang ang dalawang Rifle Cal .30 M1 Garand at isang Pistol Cal .45, kasama ang mga magasin at bala.
Ang naturang pagsuko ng armas ay naganap sa Brgy. Ilian, Matalam, Cotabato.
Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan sa pagpapanatili ng katahimikan sa rehiyon at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang kilos ng mga mamataang myembro ng armadong grupo.
Comentários