3 drug suspects, arestado sa buy-bust operation sa Isulan, Sultan Kudarat; P122,400 halaga ng suspected shabu, nasamsam
- Teddy Borja
- May 21
- 1 min read
iMINDSPH

Nangyari ang operasyon sa Purok 3, Barangay Kalawag 3, Isulan, Sultan Kudarat, a-19 ng Mayo 2025.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Jessy”, 48 years old; alyas “Rambo”, 63 years old; at alyas “Nitz”, 57 years old, pawang mga residente ng Isulan, Sultan Kudarat.
Nakuha sa posesyon ng mga suspek ang pitong sachet ng suspected shabu na tumitimbang ng 18 grams at may National Standard Drug Price na ₱122,400.00.
Nakuha rin sa operasyon ang ₱1,000.00 na buy-bust money; assorted drug paraphernalia; at cash na nagkakahalaga ng P17,150.00.
Dinala na sa Isulan Municipal Police Station ang nakumpiskang mga ebidensiya at naarestong indibidwal para sa proper documentation at disposition.
Comentarios