top of page

3 high-value individuals, arestado sa buy-bust operation sa Polomolok, South Cotabato

  • Teddy Borja
  • Aug 25
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang tatlong high-value individuals sa buy-bust operation ng awtoridad.


Himas rehas ang isang alyas “Rolo”, 32-anyos, residente ng Brgy. Cannery Site, Polomolok, isang alyas “Patrick”, 29, residente ng Brgy. Upper Klinan, Polomolok at isang alyas “Kimlou”, 25, residente ng Brgy. San Isidro, General Santos City.


Inaresto ang mga ito, araw ng Linggo, August 24, 2025 sa Barangay Cannery Site, Polomolok.


Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 28.1 gramo at tinatayang halagang ₱191,080.00, marked money na ₱1,000 na ginamit sa buy-bust at isang motorsiklo na gamit ng mga suspek.


Agad dinala ang mga naaresto at nakumpiskang ebidensya sa Polomolok MPS para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.


Ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Polomolok Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial Intelligence Unit ng South Cotabato Police Provincial Office, 1205th Maneuver Company ng RMFB 12, at 38th Infantry Battalion ng Philippine Army, katuwang ang PDEA Region 12.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page