3 indibidwal, arestado sa anti-illegal drug operation ng awtoridad sa Kalamansig, Sultan Kudarat; P68k halaga ng suspected shabu, nasamsam
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang tatlong indibidwal matapos mahuli sa ikinasang anti-illegal drug operation kung saan nasamsam ang 68 thousand pesos na halaga ng hinihinalang shabu.
Kinilala ang mga naaresto sa alyas na Alber, 47 years old, alyas “Jana”, 41 taong gulang at alyas “Hasbro”, 18-anyos pawang residente ng Barangay Poblacion.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Kalamansig Municipal Police Station, 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, Kalamansig Municipal Local Enforcement Team, CIDG Sultan Kudarat Provincial Field Unit, at Regional Intelligence Division 12, araw ng Lunes, July 28.
Dinala na sa Kalamansig Municipal Police Station ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments