3 indibidwal kabilang na ang 2 wanted person, timbog ng awtoridad sa magkahiwalay na operatyon sa Koronadal City, Tupi at Banga, South Cotabato
- Teddy Borja
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tatlo ang arestado kabilang na ang dalawang wanted person sa magkahiwalay na operasyon ng awtoridad sa Koronadal City, Tupi at Banga.
Bandang 1:00 ng hapon, matagumpay na naipatupad ng mga tauhan ng Tupi Municipal Police Station ang isang Warrant of Arrest sa Barangay Polonuling, Tupi, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si alyas “Ronel”, isang pribadong empleyado, dahil sa kasong Theft sa ilalim ng Article 308 ng Revised Penal Code.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Tupi MPS para sa kaukulang disposisyon.
Sa parehong araw, bandang 12:05 ng tanghali, isa pang Warrant of Arrest ang naipatupad sa Barangay Reyes, Banga, na nagresulta sa pagkakaaresto ni alias “Josefina”, may asawa, at residente ng Brgy. New Iloilo, Tantangan, dahil sa kasong Simple Slander.
Samantala, isinagawa rin ang isang buy-bust operation sa Barangay GPS, Koronadal City, kung saan naaresto ang suspek na kilala sa alyas na “Marines” at “Bulag”, 35 taong gulang, walang trabaho, at residente ng nasabing lugar, matapos bentahan ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer.
Narekober sa operasyon ang iligal na droga, at inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Koronadal City Police Station.
Comments