top of page

3 miyembro ng DI-Maute Group, nasawi matapos mauwi sa palitan ng putok ang pagsisilbi ng warrants of arrest ng awtoridad; 3 pang miyembro ng grupo, arestado, mga matataas na kalibre ng armas, nasamsam

  • Teddy Borja
  • Aug 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nauwi sa putukan ang pagsisilbi ng warrants of arrest ng pinagsanib na pwersa ng CIDG RFU BAR, RIAT-LDS, Lumbayanague MPS, at 103rd Infantry Battalion, 5th Infantry Division at Philippine Army laban sa mga miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group na nahaharap sa kasong murder at multiple counts of homicide.


Isinilbi ang warrants of arrest, araw ng Sabado, August 9, 2025 sa Lumbayanague, Lanao del Sur.


Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakasawi ng 3 umano’y DI-Maute members at pagkaka aresto ng 3 pang kasamahan ng mga ito.


Ayon sa PNP PRO BAR, agad umanong nagpaputok ng baril ang mga suspek nang matunugan ang presensya ng mga awtoridad, na humantong sa palitan ng putok.


Dagdag ng PNP PRO BAR, ilang kasamahan ng mga ito ang nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap.


Nakumpiska naman ng awtoridad sa clearing operations ang M16 at M4 rifles, M79 grenade launcher, Rocket-propelled grenade, mga granada at IED blasting cups, mga bala at iba’t ibang pampasabog at dalawang itim na bandila ng grupong ISIS.


Pinuri naman ni PNP PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Jaysen De Guzman ang tapang at koordinasyon ng operating team.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page