top of page

3 miyembro ng NPA, nasawi sa serye ng engkwentro sa pagitan ng militar sa Surigao del Norte; 2 NPA leaders sa CARAGA, sumuko!

  • Teddy Borja
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasawi ang tatlong miyembro ng New Peoples Army kasunod ng serye ng operasyon na ikinasa ng 30th Battalion ng 901st Brigade ng Philippine Army sa Barangay Bugas-Bugas, Placer, Surigao del Norte, a-13 hanggang a-15 ng Hunyo.



Sumuko rin sa mga sundalo, araw ng Sabado, June 14 ang isang alyas “Rem” na kinilalang mataas na lider ng NPA CARAGA.



Isinuko rin nito ang isang caliber .45 pistol at itinuro rin nito sa militar ang pinagtataguan ng mga armas na agad kinumpiska ng mga sundalo.



Kabilang sa mga napasakamay ng militar ang M16 rifle, rifle grenade, magazines, ammunition, bandoliers, at mobile phones.


Bukod kay alyas “Rem”, sumuko rin si alyas “Allen” na isa ring mataas na lider ng NPA.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page