3 sundalo sugatan kasunod ng pag atake sa kampo ng 18th Infantry Battalion sa Campo Uno, Lamitan City, Basilan
- Teddy Borja
- Aug 8
- 1 min read
iMINDSPH
Mariing kinondena ng 101st Infantry (Three Red Arrows) Brigade ang ginawang pag-atake ng mga armado sa kampo ng 18th Infantry Battalion, kagabi sa Barangay Campo Uno, Lamitan City, Basilan.
Tatlong sundalo ang sugatan sa insidente.
Ayon sa pahayag ng 101st Infantry Brigade, ang pag-atake ay hindi lamang umano laban sa militar kundi isang bantang direktang tinatahak ang katahimikan at kaunlarang unti-unting tinatamasa ng ating mga kababayan sa Basilan.
Tiniyak ng 101st Brigade sa publiko na ginagawa nila ang lahat ng nararapat upang mapanatili ang seguridad ng mga komunidad at mahanap ang mga nasa likod ng insidente. Pinaigting na rin ng batalyon ang mga hakbang sa seguridad
Bagamat nakababahala, ayon sa militar, ang insidente ay lalong nagpapatatag sa kanilang determinasyong ipagtanggol ang mga tagumpay sa usapin ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.




Comments