top of page

30,115 residente sa Maguindanao del Sur, apektado ng baha dulot ng nararanasang Intertropical Convergence Zone o ITCZ

  • Diane Hora
  • May 20
  • 1 min read

iMINDSPH


As of May 17, 2025-


Nasa 6,023 pamilya o 30,115 indibidwal ang apektado ng baha sa mga bayan ng Datu Abdullah Sangki, Shariff Aguak, at Datu Saudi Ampatuan.


Naitala rin ang pagkasira ng tulay sa Barangay Bagumbong, Mamasapano habang ekta-ektaryang taniman ng mais, palay, mani at assorted crops ang sinira ng baha sa bayan ng Datu Abdullah Sangki.


Ayon sa OCD BARMM, nagpapatuloy pa ang validation ng bilang ng mga pamilya at mga nasirang infrastructure at taniman.


Mahigpit din na nakikipag ugnayan ang OCD BARMM sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ng Maguindanao del Sur, gayundin sa Municipal DRRMOs ng mga apektadong bayan para i-monitor ang sitwasyon at suporta sa patuloy na emergency operations.


Isinagawa ng OCD BARMM ang Aerial Survey katuwang ang Tactical Operations Group 12 (TOG 12) at ang Division Public Affairs Office ng 6th Infantry Division noong Linggo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page