30-anyos na lalaki, arestado sa Barira, Maguindanao del Norte sa ikinasang anti-illegal drug operation ng awtoridad
- Teddy Borja
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kulong ang isang lalaki sa anti-illegal drug operations ng awtoridad.
Isinagawa ang operasyon, alas 10:25 ng gabi, araw ng Lunes, July 28, matapos makatanggap ng tawag ang istasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa aktibidad ng ilegal na droga sa isang abandonadong bahay sa Sitio Tataya.
Ayon sa awtoridad, nadatnan nila ang suspek na nasa aktong gumagamit ng hinihinalang shabu at may bitbit na mga drug paraphernalia.
Narekober sa kanya ang pitong heat-sealed sachets ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nasa 0.6 gramo at may halagang ₱4,080, kasama ang tatlong lighter, isang maliit na plastic canister, at isang sling bag.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Barira MPS ang suspek at mga ebidensiya para sa dokumentasyon at disposisyon.
Comments