top of page

30-anyos na lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Nov 12
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang isang 30-anyos na drug personality sa isinagawang buy-bust operation.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Tammy Boy”, residente sa nabanggit na lugar.


Inaresto siya alas 9:40 ng gabi, November 11.


Positibong nabilhan ng hinihinalang shabu ang suspek ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.


Nakumpiska sa operasyon ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu, tumitimbang ng 2.5 gramo at may tinatayang market value na ₱17,000.00.


Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Sultan Mastura MPS para sa booking at documentation.


Habang ang nakuhang ebidensiya ay ipapadala sa RFU-BAR para sa qualitative at quantitative examination.


Sasampahan naman ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, 12, at 15 ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page