top of page

₱31.3M illegal drugs, nasabat sa magkakahiwalay na operasyon sa Davao Region kung saan 369 indibidwal ang arestado sa mga operasyon sa buong buwan ng Nobyembre 2025

  • Teddy Borja
  • Dec 2
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Mahigit ₱31.3 milyon halaga ng nasabat na ilegal na droga ang naitala at 369 na drug personalities ang arestado mula sa serye ng operasyon sa buong buwan ng Nobyembre 2025.

Sa datos ng PNP PRO 11, 4,592.44793 gramo ang nakumpiskang shabu at 1,259.7255 gramo naman ng marijuana leaves.


Umabot sa 313 anti-illegal drug operations ang isinagawa ng awtoridad, kabilang dito ang 206 buy-bust operations, 49 ang implementasyon ng warrants of arrest, 16 ang isinilbing warrants of arrest, 4 ang flagrante delicto arrests, 24 checkpoint operations, 4 searches incidental to lawful arrests, at 10 police responses.


Sa 369 na naaresto, 77 dito ang High-Value Individuals (HVIs) at 292 Street-Level Individuals (SLIs).


Nanguna ang Davao City Police Office (DCPO) bilang top-performing unit matapos makapagsamsam ng ₱16,452,098.96 halaga ng ilegal na droga at makapag-aresto ng 190 suspek.


Sinundan ito ng Davao del Norte Provincial Police Office (DNPPO) na nakapagtala ng ₱7,995,915.00 halaga ng nasabat na iligal na droga at nagtala ng 89 arrests.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page