32-anyos na babaeng high-value drug suspect, arestado sa Buldon, Maguindanao del Norte sa ikinasang buy-bust operation kung saan nasamsam ang Php 2, 248, 760 na halaga ng suspected shabu
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang mahigit dalawang milyong piso na halaga ng suspected shabu mula sa isang 32 anyos na babae sa ikinasang buy-bust operation sa Buldon, Maguindanao del Norte
Kinilala ang suspek sa alyas na "Saima".
Inaresto ito alas 9:55 ng umaga, araw ng Biyernes sa Sitio Sapad, Barangay Cabayuan ng bayan.
Nasamsam ng awtoridad sa operasyon ang halos dalawang daang gramo ng suspected shabu.
Ang nasamsam na droga ay dinala na sa Regional Forensic Unit–BAR para sa laboratory analysis.
Isasailalim naman sa drug test ang suspek.
Nananatili ito sa kustodiya ng awtoridad habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso sa korte.
Comments