32-anyos na lalaki, arestado sa buy-bust operation ng otoridad sa Poblacion 2, Cotabato City
- Teddy Borja
- May 5
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas si alyas “Jay”, residente ng Rosary Heights 3, Cotabato City matapos arestuhin ng otoridad sa naganap na buy-bust operation ala 7:50 kagabi, May 4.
Positibong nabilhan ang suspek ng isang nagpanggap ng poseur buyer ng 0.1 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng Php 680 pesos.
Ang nakuhang ebidensiya ay isusumite na sa RFU BAR para sa eksaminasyon at custody.
Sumailalim din sa drug test ang suspek sa CRMC na nasa kustodiya ng otoridad.
Comments