32-anyos na lalaki sa Libungan, Cotabato na Top 9 Most Wanted ng Region XII at nahaharap sa kasong rape, arestado
- Teddy Borja
- Aug 22
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang Top 9 Most Wanted Person ng rehiyon dose na nahaharap sa kasong rape.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jos”, residente ng Sitio Mampurok, Barangay Dualing, Aleosan, Cotabato.
Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest, araw ng Miyerkules, August 20 sa Barangay Sinawingan, Libungan, Cotabato.
Walang piyansa na inirekomenda ang korte sa kasong qualified rape at qualified statutory rape na kinakaharap ng suspek.
Isinailalim na sa medikal na eksaminasyon sa Rural Health Unit ng Libungan at sa police booking procedure ang naarestong indibidwal bago dinala sa kustodiya ng Libungan MPS.
Ang warrant of arrest ay ibabalik sa korte para sa pag-isyu ng commitment order.



Comments