top of page

₱326K halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation sa General Santos City kung saan arestado ang 48-anyos na lalaki

  • Teddy Borja
  • Nov 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Himas rehas ang isang 48-anyos na lalaki matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad kung saan nasamsam ang ₱326,000 halaga ng hinihinalang shabu.


Ikinasa ang buy-bust alas-12 ng hatinggabi, November 8, sa Barangay Dadiangas West ng syudad.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Balong,” 48-anyos, residente ng Silway Kasilak.


Sa report ng PNP PRO 12, narekober ng awtoridad sa posesyon ng suspek ang 27 heat-sealed transparent plastic sachets ng suspected shabu na may tinatayang timbang na 48 gramo, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱326,000.


Nasamsam din sa operasyon ang buy-bust money at isang caliber .45 pistol.


Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng Police Station 1, GSCPO, para sa proper documentation at filing ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page