33-anyos na driver sa Cotabato City, arestado sa isinagawang buy-bust operation ng otoridad
- Teddy Borja
- May 20
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang 33-anyos na driver sa Cotabato City matapos ang ikinasang buy-bust operation ng otoridad.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Dats”, residente ng Purok Sampaguita, Bagua 3, Cotabato City.
Inaresto ito alas 9:00 kaninang umaga sa Barangay Mother Bagua.
Nasa kustodiya na ng otoridad ang suspek habang inihahanda ang kaso laban dito.
Comments