top of page

33-anyos na driver sa Cotabato City, tiklo matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004

  • Teddy Borja
  • May 20
  • 1 min read

iMINDSPH



Huli ang isang 33-anyos na driver sa Cotabato City, matapos isilbi ng otoridad ang Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Utto”, residente ng Purok Dangkalangan, Barangay Tamontaka 3, Cotabato City.


Inaresto ito alas 11:50 ng umaga, araw ng Lunes, may 19 sa Purok Bailabi, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City.


Umaabot sa 108,000 pesos ang piyansa na inirekomenda ng korte sa dalawang kaso na kinakaharap nito.


Ang warrant of arrest ay inisyu ng Acting Presiding Judge, Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 14, Cotabato City, na may petsa na July 7, 2022.


Ang naarestong suspek ay sasailalim sa physical at medical examination.


Pansamantalang nakaditene ang suspek sa istasyon ng pulisya sa lungsod.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page