iMINDSPH

Nahuli ang 33 anyos na suspek sa lugar, matapos makatanggap ng tip ang mga otoridad mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y ginagawang pot session sa nasabing barangay.
Nang rumisponde, nakumpirma ng mga otoridad ang iligal na aktibidad na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Ang mga nakumpiskang ebidensya mula sa suspek ay isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 0.11 gramo na may tinatayang street value na PHP 748.00, isang improvised all-weather tooter at dalawang improvised na lighter.
Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
Comments