top of page

33-anyos na lalaki sa Zamboanga City, timbog sa buy-bust operasyon ng awtoridad kung saan nasamsam ang P319K na halaga ng hinihinalang shabu

  • Teddy Borja
  • Dec 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang isang 33-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad kung saan nasamsam ang P319,000.00 na halaga ng suspected shabu. Ikinasa ang operasyon ala 6:08 ng umaga, araw ng Linggo, December 8, sa Barangay San Roque ng syudad.


Umabot sa 47 gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng awtoridad sa operasyon.


Ang nakumpiskang droga ay isusumite sa Zamboanga City Forensic Unit 9 para sa laboratory examination, habang ang suspek ay nasa kustodiya na ng ZCPS 7 para sa paghahanda at pagsasampa ng kaukulang kaso sa korte.


Ayon sa PNP PRO 9, patuloy ang kanilang paninindigan sa misyon na wakasan ang kalakalan ng iligal na droga at tiyakin ang isang ligtas, mapayapa, at drug-free na Zamboanga Peninsula.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page