₱34.6M halaga ng ilegal na droga, nasamsam sa buong bansa; 11 indibidwal, inaresto sa magkakasunod na operasyon.
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit ₱34.6 milyon na halaga ng umano’y ilegal na droga ang nasamsam at 11 indibidwal ang inaresto sa magkakasunod na operasyon ng Philippine National Police mula December 19 hanggang December 20, 2025.
Pinangunahan ng PNP, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang magkakasunod na anti-drug operations sa iba’t ibang rehiyon ng bansa kabilang ang Central Visayas, CALABARZON, Western Visayas, Northern Mindanao, Eastern Visayas, BARMM, at Negros Island Region.
Nahuli ang 11 suspek, kung saan walo sa mga ito ay tinukoy bilang High-Value Individuals (HVIs).
Nasamsam ang mahigit isang kilo ng umano’y shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa Ormoc City at Cagayan de Oro City.
Sa Palawan naman, isang sibilyan ang kusang nag-turn over ng umano’y ilegal na droga, na nagpapakita ng lumalaking pakikiisa ng komunidad sa kampanya kontra ilegal na droga.
Ayon kay Jose Melencio Nartatez Jr., Acting Chief ng Philippine National Police, ang resulta ng mga operasyon ay patunay ng pokus at disiplina ng PNP sa ilalim ng kanilang operational reform agenda.
Lahat ng nahuling suspek ay nasa kustodiya ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Samantala, ang lahat ng nasamsam na droga ay isinailalim sa pagsusuri ng PNP forensic units para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Tiniyak ng PNP na patuloy nilang ipatutupad ang agresibo ngunit legal na operasyon laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at mapalakas ang tiwala ng publiko.



Comments