34-anyos na lalaki sa Parang, Maguindanao del Norte, kalaboso matapos nakawin ang isang cellphone ng anak ng isang tindera ng isda
- Teddy Borja
- Aug 8
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang lalaki na tumangay sa cellphone ng anak ng isang tindera ng isda.
Naganap ang pag aresto alas 12:30 ng hapon, araw ng Miyerkules, August 6 sa Purok Ipil-Ipil, Barangay Poblacion 1 ng bayan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pumasok umano ang suspek sa bahay ng biktima nang walang pahintulot, kinapa ang mga gamit, at kinuha ang cellphone, sinubukan pa umano ng mga biktima na bawiin ang cellphone ngunit agad na tumakas ang suspek.
Ang suspek ay dinala sa himpilan ng Parang MPS para sa karagdagang imbestigasyon.



Comments