top of page

34 years old na lalaki, tiklo sa buy-bust operation sa Tupi, South Cotabato; P238K halaga ng suspected shabu, nasamsam sa operasyon

  • Teddy Borja
  • Aug 7
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Kalaboso ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad kung saan nakumpiska ang 238 thousand pesos na halaga ng suspected shabu.


Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Ross” na tinuturing na Street Level Individual (SLI) sa drug watchlist.


Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Tupi Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Unit ng South Cotabato PPO, 1205th Maneuver Company ng RMFB 12, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tupi MPS ang naarestong indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


Samantala, ang mga nakumpiskang ebidensya ay isusumite sa South Cotabato Provincial Forensic Unit sa Koronadal City para sa qualitative at quantitative examination.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page