35 anyos na lalaki, timbog sa buy-bust operation sa Tacurong City; P346,936 halaga ng suspected shabu, nasamsam sa operasyon!
- LHBK
- Apr 4
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang suspek na kinilala sa alyas na “Tito” residente ng Barangay San Pablo, Tacurong City, Sultan Kudarat.
Ikinasa ang operasyon, araw ng Miyerkules sa Barangay Poblacion ng lungsod.
Ayon sa otoridad, narekober mula sa posesyon ng suspek ang dalawang sachet ng suspected shabu na may timbang na 51.02 gramo at may National Standard Drug Price na ₱346,936.00, gayundin ang ₱1,000.00 buy-bust money.
Agad dinala sa Tacurong City Police Station ang naarestong suspek at narekober na ebidensiya para sa documentation at proper disposition.
Comentarios