Marawi Port Facilities, opisyal nang itinurn over ng PPA sa BARMM Government; Turnover, isa sa mga mahalagang kaganapan sa intergovernmental meeting na pinangunahan ni DBP Secretary Amenah Pangandaman
- Diane Hora
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan na ang full rehabilitation ng Marawi City, isinagawa ang isang high-level intergovernmental meeting ayon sa MOTC BARMM na isinagawa araw ng Biyernes, July 11 sa Camp Ranao, Marawi City.

Isa sa mga mahalagang kaganapan sa intergovernment meeting ay ang opisyal na turnover ng Philippine Ports Authority sa Marawi Port Facilities sa BARMM Government.
Ang BARMM at MOTC ay nirepresenta ni Deputy Minister Muhammad Ameen Abbas, Director Razul Gayak ng BLTO at Engr. Nasrodin Masakal, Engineer V ng BPMA.
Ang pulong ay pinangunahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman at Presidential Adviser on Marawi Rehabilitation and Development, Secretary Nasser Pangandaman Sr., kasama si BARMM Chief Minister Abdulraof A. Macacua.
Comments