Ilang kumpanya ng langis sa bansa, nagpatupad ng P0.70-P1.40 oil price increase ngayong araw
- Diane Hora
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Dismayado ang ilang driver sa Cotabato City sa muling pagpapatupad ng oil price increase matapos ang ipinatupad na rollback noong mga nakaraang linggo.
Sitenta sentimo ang inakyat sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Otsenta sentimo naman ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Samantalang piso at kwarenta sentimo ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Kaya ang ilang driver sa lungsod dismayado sa muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo matapos ang ipinatupad na rollback noong mga nakaraang linggo.
Comments