35 dating miyembro ng CPP-NPA-NDF at 2 miyembro ng MILF, tumanggap ng Safe Conduct Pass mula sa National Amnesty Commission
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pinakahuling datos ng NAC, isang daan at walumpu’t limang dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na, labing tatlong miyembro ng MILF at tatlong miyembro ng MNLF, ang nabigyan ng Safe Conduct Pass ng National Amnesty Commission. Sila ang unang qualified amnesty applicants na nabigyan ng SCP.
Matapos dumagdag sa bilang ang tatlumpu’t limang dating miyembro ng NPA at dalawang miyembro ng MILF na tumanggap ng kanilang SCP ngayong araw sa Tupi, South Cotabato.
Sila ang mga dating miyembro ng NPA mula sa Kalamansig at Lebak, Sultan Kudarat.
Sa labing tatlong bilang naman ng miyembro ng MILF na nabigyan ng SCP, dalawa sa mga ito ang kasalukuyang alkalde ng Special Geographic Area at limang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament.
Ang issuance ng NAC ng SCP ay isinagawa matapos bigyan ng awtorisasyon ang NAC sa pamamagitan ng Memorandum No. 36, serye ng 2025 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Abril, at matapos mai-sapinal ang guidelines noong buwan ng Mayo.
Nagsisilbing proteksyon ang SCP laban sa pag-aresto at prosekusyon para sa mga kasong sakop ng Presidential Proclamations 403, 404, 405 at 406 habang hinihintay ang resulta ng kanilang aplikasyon.
As of July 11, 2025 nasa 3,313 na ang naghain ng amnesty application sa NAC.
69 dito ang mula sa RPMP-RPA-ABB, 2,340 ang mula sa CPP-NPA-NDF, 582 ang mula sa MILF at 322 ang mula sa MNLF.
コメント