iMINDSPH

Labing anim mula sa tatlumpo’t apat na mga indibidwal na naaresto ng PNP PRO BAR ay nahuli sa PNP/AFP checkpoint operation. labingwalo naman ang nahuli sa isinagawang targeted police operations.
Sa tatlumpo’t anim na mga baril na nasamsam, 28 dito ang small arms, walo ang light weapons at isang explosive.
Ayon sa PNP PRO BAR ang hakbang na ito ay nakatulong upang mapigilan ang election-related violence at pinalalakas na security measures.
Naisampa na rin laban sa mga suspek ang kasong paglabag sa Omnibus Election Code, ayon sa otoridad.
Ang implementasyon ng COMELEC Gun Ban, na nagbabawal sa pagdadala at pagtransport ng baril o deadly weapons ay nagsimula a-12 ng Enero at magtatagal ng hanggang June 11, 2025.
Ang paglabag dito ay isang criminal offense sa ilalim ng Republic Act No. 10591 o “An Act Providing for a Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Providing Penalties for Violations Thereof” in relation to COMELEC Resolution No. 11067 na maaring magresulta sa pagkakabilanggo, disqualification from public office, at iba pang legal consequences.
Pinuri naman ni PNP BAR Regional Director, Police Brigadier General Romeo Macapaz ang kanyang mga tauhan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon habang naghahanda ang buong bansa para sa 2025 National and Local Elections (NLE) at BARMM Parliamentary Election.
Comments