top of page

37,740 pulis, ipinakalat ng PNP para magbantay sa 45,974 na paaralan sa buong bansa sa pagbubukas ng klase ngayong araw

  • Teddy Borja
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Ipinakalat ng PNP ngayong araw ang 37,740 na mga pulis sa buong bansa para magbantay sa 45,974 na mga paaralan sa pagbubukas ng klase ngayong araw.


Ito ang ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.


Bukod dito, mayroon ding itinatag na 5,079 Police Assistance Desks ang PNP malapit sa mga eskuwelahan bilang bahagi ng mas pinaigting na Police visibility.


10,759 Police personnel ang tatao dito na aalalay sa mga estudyante, magulang, at school staffs.


Bukod pa ito sa 10,687 na pulis na itatalaga sa mobile patrols at nasa 16,366 naman sa foot patrols sa mga lugar na tinuturing na critical zones.


Una rito, tiniyak ng PNP chief ang kanilang full coordination sa Department of Education (DepEd), mga lokal na pamahalaan, at partner agencies para sa pasukan ngayong taon ayon pa sa report.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page