37-anyos na payong-payong driver, arestado sa buy-bust operation sa Rosary Heights 8, Cotabato City
- Teddy Borja
- May 2
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang suspek sa alyas na “Datu”, residente ng Mother Barangay Poblacion ng lungsod.
Inaresto ito alas 12:20 ng tanghali, araw ng Huwebes, May 1.
Ayon sa report ng otoridad-
Positibong nabilhan ang suspek ng hinihinalang shabu ng isang poseur buyer na may timbang na mahigit kumulang 0.11 gramo at may standard drug price na 748 pesos.
Nakatakdang isailalim sa Drug Test ang naarestong suspek habang isusumite naman ang mga nakumpiskang ebidensiya sa RFU-BARMM para sa Laboratory Exam at proper custody.
Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.
Bình luận