top of page

370 armchairs handog ni dating Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Ampatuan

  • Diane Hora
  • Aug 6
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tuloy sa paghahatid ng serbisyo si dating Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa mga mamamayan ng probinsya. Handog ng dating gobernador ang mahigit tatlong daang armchair sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Ampatuan.


Tugon sa kakulangan ng upuan sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Ampatuan kabilang na ang mga Madrasah ang 370 armchairs na kaloob ni dating Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.


Isinagawa ang pamamahagi ng upuan, araw ng Lunes, August 4 sa mga piling paaralan sa bayan.


Bahagi ito ng patuloy na suporta ng dating gobernador sa sektor ng edukasyon.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page