379 indibidwal, nakabenepisyo sa medical mission ng Project TABANG sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Dec 1
- 1 min read
iMINDSPH

Matagumpay na naisagawa ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG ang medical mission sa mga bayan ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao del Sur at Parang sa Maguindanao del Norte noong November 27 hanggang 28.
Pinangunahan ito ng Health Ancillary Services sa ilalim ng Serbisyong Ayudang Medikal o SAM, na isang sub-program ng TABANG na naglalayong magbigay ng medical support at accessible healthcare services sa mga komunidad.
Umabot sa 379 na mga benepisyaryo ang nakabenepisyo sa libreng check-up at libreng gamot.



Comments