38 years old na lalaki, arestado ng otoridad sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte dahil sa kasong paglabag sa RA 9995 at RA 9262
- Teddy Borja
- May 20
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang isang 38 years old na lalaki na residente ng General Salipada K. Pendatun dahil sa kasong paglabaga sa Republic Act 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act at RA 9262 o ang Violence Against Women and Their Children.
Inaresto ang suspek sa isinagawang entrapment operation alas 3:30 ng hapon, araw ng Lunes, May 19 sa Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat.
Nasa kustodiya na ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police ang lalaki.
Comments