iMINDSPH

Sa report mula sa Cotabato City Police Station 2..
Minamaneho ng 39 anyos na payong payong driver na si Mael Malang ang kanyang payong-payong sa bahagi ng San Vicente Street, Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City, ala 6:05 kagabi nang pagbabarilin.
Ang biktima ay residente ng Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte.
Suspek sa krimen ang isa ring payong-payong driver na tinukoy na ng otoridad at isang hindi kilalang suspek.
Dinala sa pagamutan ang biktima pero binawian din ito ng buhay.
Nakuha ng otoridad sa crime scene ang anim na basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa caliber 45.
Commentaires