top of page

₱392,500.00 halaga ng ilegal na sigarilyo, nasabat ng mga awtoridad sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; lalaki, arestado sa operasyon

  • Teddy Borja
  • Dec 16
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Sa Maguindanao del Norte—timbog ang isang lalaki at nakumpiska ang mahigit ₱392,500 na halaga ng smuggled cigarettes sa joint police operation sa Datu Odin Sinsuat.


Ayon sa Maguindanao del Norte Provincial Police Office, bigo ang suspek na makapagpakita ng anumang dokumento na magpapatunay sa legal na pagmamay-ari at transportasyon ng kargang sigarilyo.


Nasamsam mula sa suspek ang sampung kahon na naglalaman ng kabuuang limang daang reams ng puslit na sigarilyo na may kabuuang halaga na ₱392,500.


Natagpuan ang mga kontrabando sa loob ng isang minivan na walang nakakabit na plate number.


Ang suspek at ang mga nakumpiskang sigarilyo ay dinala sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.


Patuloy namang hinikayat ng PRO BAR ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page