₱4.1 milyong halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur; 4 na indibidwal, naaresto sa operasyon.
- Teddy Borja
- Dec 8
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang ₱4.1 milyon na halaga ng smuggled cigarettes, kung saan apat na indibidwal ang naaresto sa ikinasang operasyon.
Ikinasa ng awtoridad ang operasyon noong Biyernes, December 5, 2025, sa Barangay Labu-Labu ng nasabing bayan.
Tinatayang 5,250 reams ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo ang nakumpiska.
Dinala na sa Datu Hoffer Municipal Police Station ang mga naarestong suspek kasama ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.



Comments