₱4.16M shabu, nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon sa Region 12 sa buong buwan ng Nobyembre kung saan arestado ang 158 na indibidwal
- Teddy Borja
- Dec 2
- 1 min read
iIMINDSPH

Mahigit ₱4.16 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska at 158 na indibidwal ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa buong buwan ng Nobyembre. Ang mga ito ay resulta ng 125 focused operations sa iba’t ibang bayan sa rehiyon dose.
Nasamsam sa mga operasyong ito ang kabuuang 678.72 gramo ng ilegal na droga na may Standard Drug Price (SDP) na ₱4,168,537.60.
Kabilang dito ang 611.84 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱4,160,512.00, at 66.88 gramo ng marijuana leaves na may halagang ₱8,025.60.
Ayon kay PBGEN Arnold Ardiente, Regional Director ng PRO 12, malaking bahagi ng tagumpay ay bunga ng mas pinaigting na intelligence-gathering at maayos na pagpaplano ng operasyon.



Comments