top of page

4 indibidwal, arestado matapos ang ikinasang buy-bust operation ng PDEA BARMM sa Cotabato City; P149K halaga ng suspected shabu, nasamsam at nilansag ang isang drug den

  • Teddy Borja
  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Apat na indibidwal ang arestado ng PDEA BARMM sa buy-bust operation kung saan nilansag ang isang drug den at nasamsam ang P149K halaga ng suspected shabu. Ikinasa ang operasyon, araw ng Miyerkules, December 3, sa Malagapas, Rosary Heights 10 ng lungsod.


Umabot sa labinsiyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng suspected shabu ang nakumpiska sa operasyon.


Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Bads”, 45-anyos, umano’y drug maintainer; alyas “Joseph”, 22 years old; alyas “Jun-Jun”, 27 taong gulang; at alyas “Budoy”, 31 years old.


Nasa kustodiya na ng PDEA BARMM ang mga naarestong indibidwal habang hinihintay ang inquest proceedings sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Katuwang ng PDEA BARMM sa matagumpay na operasyon ang Regional Intelligence Unit-15, Cotabato City Police Office-CMFC, Marine Battalion Landing Team-6, at Philippine National Police Drug Enforcement Group SOU BAR.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page